Ginawa kong Automatic ang 6-Oras kong Weekly Client Report (Claude Code + VPS)
Yung dating 6 oras na manual na client report, ginawa kong self-scheduling na Claude Code agent sa VPS — kusang naglalabas tuwing Lunes, kontrolado kahit sa phone. Eto ang buong build.
June 12, 2026
Hoy, freelancer 👋
Kada linggo, mga 6 oras ang ginugugol ko dati sa parehong client report — kumukuha ng data, gumagawa ng charts, sumusulat ng insights. Literal na repetitive work. So ginawa ko siyang Claude Code agent na nakatira sa VPS — kaya kong patakbuhin sa desktop o sa phone ko, at kusa na itong nag-re-regenerate ng report tuwing Lunes.
Eto ang high-level walkthrough ng build. (Lahat ng data na pinakita ay synthetic / anonymized Amazon-seller data — walang totoong client info — para maipakita ko ang sistema nang hindi sinisira ang confidentiality.)
Ang setup: isang self-contained project sa VPS
Bawat project ko = sariling folder + persistent tmux session, tapos Claude Code sa loob. Isang session bawat project — kaya pwede akong mag-disconnect at bumalik anytime nang hindi nawawala ang state. Isang bootstrap prompt lang, inaako na ni Claude ang buong folder: sariling .claude/, Python venv, .credentials/, .env, deliverables/, at hardened .gitignore para walang sensitive na ma-push.
Kontrolado kahit saan
Gamit ang /remote-control, nape-pair ko ang session sa Claude Desktop — o sa phone ko. Nide-detach ko ang terminal, patuloy tumatakbo ang agent sa VPS, tapos bumabalik ako via mas malinis na interface. Parehong session, kontrolado kahit saan.
Mula data warehouse → branded report
Kinonekta ko si Claude sa BigQuery (service-account key), tapos sinabi ko lang sa plain language: basahin ang warehouse at gumawa ng dark-mode HTML analytics report — KPI strip, trend chart, top/bottom SKU table, may maikling plain-English narrative. Ininspect muna niya ang schema, bago sumulat ng queries at HTML.
Iniwan ko ang isang totoong mali sa video — maling column sa first pass — kasi yung one-line correction mismo ang nagpapatunay na kaya ‘to sa totoong trabaho, hindi lang pang-demo. 😅
Ang part na game-changer: gawing skill
Imbes na mag-re-prompt kada linggo, pinapackage ko kay Claude ang buong workflow bilang reusable skill — queries, layout, narrative rules. Ngayon, isang command lang, balik na ang report. Ituro mo isang beses, hindi na makakalimutan. Tapos may cron job na nagpapatakbo nito tuwing Lunes ng gabi. Yung 6-oras na manual task → naging scheduled na deliverable na tumatakbo kahit wala ako.
Bakit importante ‘to sa freelancer
Eto ang pattern: kunin mo yung repetitive na ginagawa mo para sa clients, ibigay mo ang mechanical parts sa AI agent, itago mo ang judgment mo para sa parts na talagang kailangan ng utak. Less manual work, more time sa mga bagay na talagang importante (o sa case ko — more lakwatsa).
▶️ Panoorin ang buong build (Taglish, step-by-step)
Lahat ng hakbang — mula sa walang-laman na folder hanggang sa Monday cron — nasa video:
👉 https://youtu.be/4ic0wJ2IpyM
Kung VPS part lang ang hanap mo (1-click Claude Code install sa Hostinger), nasa 18:12 ng video ‘yon.
— Arvin Less manual work, more lakwatsa.
P.S. Para tumakbo 24/7 ang setup mo, ginagamit ko ang Hostinger VPS → hostinger.com/lakwatseros (code: LAKWATSEROS)